Pumalo sa ₱2.56-T ang gross borrowings ng national government noong 2024.
Bahagya itong mas mababa sa ₱2.57-T borrowing plan ng pamahalaan para sa naturang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang ₱2.56-T na kabuuang utang ng gobyerno noong nakaraang taon ay mas mataas ng 16.93% kumpara sa naitala noong 2023.
Umakyat sa ₱ 1.92-T ang gross domestic debt noong nakaraang taon, mas mataas ng 17.69%, at kumakatawan sa 75% ng borrowing.
Tumaas naman ng 14.69% o sa ₱641.17-B ang gross external debt, na mas mababa sa ₱642.5-B target para sa foreign borrowing.