Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutugunan ng kanyang administrasyon ang job-skills mismatch sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pagtiyak nang inspeksyunin ang “Trabaho para sa Bagong Pilipinas” na pinamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Iloilo Sports Complex, sa La Paz, Iloilo City.
Ang “job-matching event” ay idinesenyo upang tulungan ang graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) sa kanilang transition mula sa government aid patungong self-sufficiency at financial independence.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-aalok ng malawakang jobs and pre-employment assistance.
Ayon kay Pangulong Marcos, nasa 2,000 ang nagpa-rehistro para sa job-matching event sa Iloilo.