dzme1530.ph

Pilipinas, hihingi ng paglilinaw sa US aid freeze

Loading

Hihingi ng paglilinaw ang Pilipinas mula sa Amerika hinggil sa mga programang maaapektuhan, matapos ang “stop-work” ng kaalyadong bansa sa lahat ng foreign assistance.

Isinailalim din ng Amerika ang staff ng US Agency for International Development sa administrative leave.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na mahalaga ang mga tinatanggap na tulong ng Pilipinas mula sa US kaya nais niyang malaman ang eksaktong mga programa na maaapektuhan.

Inihayag din ni Manalo na karapatan ng US na magpasya kung paano ipatutupad ang kanilang mga programa.

Naniniwala naman ang Kalihim na sa kabila ng mga bagong polisiya ay ipagpapatuloy pa rin ng Amerika ang pagsuporta sa military at maritime defense security ng Pilipinas.

About The Author