dzme1530.ph

Pagbabawal sa mga barko na dumaan sa Verde Island Passage, at iba pang karagatan sa bansa, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ngayon ni Batangas 2nd District Rep. Jinky Luistro ang posibilidad ng pagbabawal sa mga barko na dumaan sa mga mahahalagang parte ng karagatan sa bansa gaya ng Verde Island Passage.

Ayon kay Luistro, gusto niyang magkaroon ng clustering o klasipikasyon ng mga katubigan sa bansa na kahalintulad ng ginagawa ngayon sa mga lupa, upang malaman kung alin sa mga katubigang ito ang puwedeng pangisdaan, daanan ng mga barko, dapat protektahan at mga puwedeng gamitin sa mga Energy research.

Paliwanag ng mambabatas, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga oil spill incident sa mga katawang tubig na gaya ng Verde Island Passage na tinaguriang Center of the World’s Marine Biodiversity.

Pero giit ni Luisto, marami pang kailangan pag-aralan hinggil dito dahilan kaya kailangan niyang sumangguni muna sa mga eksperto.

About The Author