dzme1530.ph

SRA chief, pinaaamin kaugnay sa smuggling ng asukal

Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) chief David Thaddeus Alba na magsalita na kaugnay sa pagdagsa ng smuggled na asukal sa bansa, maging ang ‘di umano’y pagkakaloob ng preferential treatment ng SRA sa mga importer.

Naniniwala si Hontiveros na ang hindi pagpirma ni Alba sa iSugar Release Order ng smuggled na asukal na nasa port of batangas ay posibleng nagpapahiwatig na may nakita itong katiwalian.

Kaugnay nito, hinimok rin ng Senadora ang lahat ng may impormasyon ukol sa isyu na magsalita na upang matuldukan ang umano’y korapsyon sa ahensiya.

Nitong Biyernes nang kumpirmahin ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagbibitiw ni Alba sa puwesto, dahil sa lumalalang health condition.

About The Author