Dalawang pilipino na kapwa mahusay sa sports ang nagkita sa Miami, Florida sa Estados Unidos.
Sa Twitter account ng Miami Heat, ibinahagi ng NBA team ang litrato at video ng kanilang head coach na si Erik Spoelstra nang makita ang US Open Girls Singles Champion na si Alex Eala.
Ang ina ni Spoelstra ay Pinay habang si Eala ay homegrown talent na nanalo ng doubles title sa girls tournament ng Australian Open noong 202 at French Open noong 2021.