dzme1530.ph

Bantang pagpapapatay ni VP Sara Duterte kay PBBM, idinulog na sa PSC para sa agarang aksyon

Idinulog na ni Executive Sec. Lucas Bersamin sa Presidential Security Command para sa agaran at kaukulang aksyon, ang banta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang indibidwal.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang anumang banta sa buhay ng Pangulo ay dapat palaging seryosohin.

Ito ay lalo na umano’t isinapubliko pa ang nasabing banta.

Mababatid na sa isang virtual press conference kagabi habang nasa Kamara, inihayag ni VP Sara na sakaling siya ay maipapapatay, may kinontrata na rin siya para itumba ang Pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez. —sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author