Biyaheng United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Nov. 26, araw ng Martes, para sa 1-day working visit.
Ayon sa Presidential Communications Office, pagkarating ng Abu Dhabi ay kaagad makikipagpulong si Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.
Inaasahan ang produktibong dayalago at pagkabuo ng mga kasunduan at kooperasyong magpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.
Bukod dito, ipababatid din ni Marcos ang pagkagalak ng Philippine gov’t sa UAE para sa pagpili sa talentong Pilipino na may kaakibat na kabaitan at respeto.
Dahil isang araw lamang ang pag-bisita, pinaliit na rin ang delegasyon ng biyahe.
Humingi rin ng paumanhin ang Pangulo sa mga Pinoy sa UAE na nais siyang makasalamuha, dahil kailangan na niyang kaagad umuwi upang ipagpatuloy ang personal na pagtutok at pag-iinspeksyon sa relief at pagsasaayos sa mga lugar na sinalanta ng magkakasunod na bagyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News