dzme1530.ph

Mary Ann Maslog, posibleng tumulong sa pagtakas nina Alice Guo

Inilutang ni Sen. Jinggoy Estrada ang posibilidad na tumulong din sa pagpapatakas sa grupo ni Alice Guo si Mary Ann Maslog bagama’t tinawag niya itong incredible witness.

Sinabi ni Estrada na hindi kailanman maituturing si Maslog na credible witness dahil sa panloloko nito makaraang masangkot sa textbook scam, nagpanggap na patay at nagnakaw ng identity.

Aminado naman ang senador na hindi pa beripikado ang impormasyong ito subalit dapat anya itong tignan ng Senado.

Idinagdag ng mambabatas na dapat ding tignan ang impormasyong hawak ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na may nag-uutos umano kay Alice Guo na idiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa POGO operations. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author