dzme1530.ph

Dismissed mayor Alice Guo, negatibo sa TB

Negatibo sa Tuberculosis (TB) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kaya ibinalik ito sa regular na selda, ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, Jail Supt. Jayrex Bustinera.

Dahil dito, mula sa isolation ay kung saan makakasama dapat niya ang tatlong inmates na may TB ay inilagay si Guo sa regular cell para sa general population.

Sinabi ni Bustinera na makakasama ni Guo ang 43 persons deprived of liberty sa selda na idinisenyo para sa siyam na detainees lamang.

Una nang napaulat kahapon na batay sa medical findings, ay posibleng mayroong impeksyon sa baga ang dating alkalde. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author