dzme1530.ph

Barko ng China sa WPS, umaabot na sa 129

Dumami pa ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Sa datos mula sa Armed Forces of the Philippines, mula August 13 hanggang August 19, 2024 mayroon nang 129 na barko ng China sa WPS.

Mas mataas ito kumpara sa naiulat na bilang noong August 6 hanggang August 12, 2024 na nasa 92.

Sinabi ng AFP, sa 129 na mga barko, 98 dito ay Chinese Maritime Militia Vessels, 18 ang Chinese Coast Guard Vessels at 13 Peoples Liberation Army Vessels.

Ang nasabing bilang ng mga barko ay naka posisyon sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag asa Island, Lawak Island, Patag Island at Sabina Shoal. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author