dzme1530.ph

Illegal drugs nasabat ng BOC at NAIA-PDEA sa babaeng pasahero sa NAIA mula Bangkok

Muli na namang nakasabat ang mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA ng iligal na droga mula sa isang babaeng pasaherong dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 mula Bangkok.

Sa report ng Customs dumating ang pasahero na kinilalang si Sirirut Taweesup, 40 years, isang Thai national kagabi sakay ng Thai Airways flight TG-620 mula Bangkok Thailand.

Natuklasan ng mga operatiba ang mga illegal drugs o kush high grade marijuana na nakabalot sa transparent plastic pack at nakasilid sa isang check-in luggage ng dayuhan.

May bigat ito na 14, 825 grams at tinatayang nagkakahalaga ng ₱20,755,000.00.

Nasa kustodiya na ng NAIA-PDEA-IADITG ang nasabing suspect na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu- sino ang mga sangkot sa magkakasunod na tangkang pagpupuslit ng illegal na droga papasok sa bansa.

About The Author