dzme1530.ph

Oil price rollback, asahan bukas

Inaasahang magpapatupad ng tapyas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, July 30.

Batay sa pagtaya ng oil industry players, P0.50 hanggang P0.70 sentimo kada litro ang posibleng rollback sa presyo ng diesel.

Maaari namang mabawasan ng P0.40 hanggang P0.60 ang presyo sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa Dep’t of Energy, ang oil price adjustments ay bunsod ng mahinang demand ng langis sa pandaigdigang merkado at isinasagawang negosasyon ng ceasefire sa Gaza.

About The Author