Dumating na sa bansa ang may kabuuang 117 OFWs mula Kuwait ang magkakasunod na dumating sa NAIA Terminal 3 kagabi at ngayong madaling araw.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration dumating ang unang batch na binubuo ng 55 OFW sakay ng Golf Air flight (GF154) sumunod ang Kuwait Airlines flight (EK332) lulan ang 32 OFWs habang
30 OFWs naman ang sunod na dumating sakay ng Qatar Airways flight (QR928).
Ang mga naturang OFWs ay pawang humiling ng tulong sa pamahalaan para ma-repatriate pauwi ng Pilipinas.
Agad silang sinalubong ng OWWA Airport team at binigyan ng pagkain bukod pa sa libreng transportasyon pauwi sa kanilang mga probinsiya at tulong financial.