Magkasamang ipinagdiwang ng magkapatid na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Senator Imee Marcos ang ika-siyamnapu’t limang kaarawan ng kanilang ina na si Former First Lady Imelda Marcos.
Ibinahagi ng Pangulo sa social media ang mga litrato ng selebrasyon sa Malakanyang.
Bukod sa Pangulo at Sen. Imee, dumalo rin ang isa pa nilang kapatid na si Irene Marcos gayundin sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at maging sina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrilecat San Miguel President Ramon Ang.
Una nang sinabi ng Malakanyang na magiging tahimik lamang ang selebrasyon ng kaarawan ng dating unang ginang kasama ang kanyang pamilya at mga malapit na kaibigan.
Mababatid naman na ilang beses nang binanatan ni Sen. Imee ang mga nakapaligid kay Pangulong Marcos, at kamakailan ay dumalo pa ito sa Opposition Rally sa Davao City.