dzme1530.ph

Romualdez: 20 LEDAC priorities ng Marcos Administration, aprubado lahat sa Kamara

Pinagmalaki ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na aprubado sa Kamara ang lahat ng 20 Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priorities nito.

Sa LEDAC meeting ngayong araw Hunyo 25 na pinangunahan mismo ng Pangulo, sinabi ni Romualdez na hinihintay na lamang nila ang Senate action sa priority legislative proposals ng Palasyo.

Aniya ang mabilis, subalit metikolosong pag-aaral sa hinihinging batas ng administrasyon ay nakatuon sa Phil Development Plan at 8-Point Socio-Economic Agenda sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework ni PBBM.

Sa 20 LEDAC bills, tatlo nito ay ganap ng batas, tatlo ang nasa enrolled process, dalawa sa conference committee report ay adopted na ng both chambers, habang ang isa ay adopted as amendment sa House bill.

May apat pa umano na pinag-uusapan pa sa Bicameral Conference Committee, habang ang sampu ay aprubado na sa 3rd and final reading sa Kamara.

Kabilang naman sa tatlong LEDAC bills ng Pangulo na ganap nang batas ay ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, Real Property Valuation and Assessment Reform Act, at ang Negros Island Region Act.

About The Author