dzme1530.ph

Bilang ng mga apektadong indibidwal ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon, umabot na sa higit 2,400

Pumalo na sa mahigit 2,400 indibidwal ang apektado nang pagsabog ng Kanlaon volcano sa Negros island.

Katumbas ito ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng 661 pamilya.

May kabuuang 1,285 na indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa region 6 at 7.

Dalawang lugar pa rin kabilang ang Canlaon City at bayan ng La Castellana ang nakasailalim sa state of calamity matapos ang pagputok ng Mount Kanlaon.

Aabot naman sa P2,121,637 ang naibigay na ayuda ng pamahalaan sa mga apektado nang pag a-alburuto ng bulkan.

About The Author