dzme1530.ph

42 Pinoy seafarers, nasa ligtas na kalagayan matapos ang missile attack sa Red Sea

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng 42 Filipino seafarers na lulan ng foreign vessels na nakaranas ng missile attacks habang naglalayag sa Red Sea.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, anim na barko ang inatake sa Red Sea at Gulf of Aden simula noong April 25.

Aniya, tatlo mula sa anim na barko ay mayroong sakay na Pinoy seafarers.

Sinabi ni Cacdac na lahat ng crew ay safe at patungo sa kani-kanilang destinasyon, bagaman mayroong naiulat na minor damage sa mga barko.

Patuloy din aniya ang kanilang apela sa mga may-ari ng barko na i-divert ang kanilang ruta at huwag dumaan sa Red Sea at Gulf of Aden para sa kaligtasan ng seafarers.

About The Author