dzme1530.ph

Apat, patay sa pananalasa ng mga buhawi sa Oklahoma

Apat ang patay, kabilang ang isang apat na buwang gulang na sanggol habang nasa isandaan ang nasugatan sa Oklahoma sa Amerika, bunsod ng pananalasa ng mga buhawi.

Nagdeklara na si Oklahoma Governor Kevin Stitt ng Disaster Emergency upang magamit ang kanilang karagdagang pondo para sa first responders at recovery operations.

Sa statement mula sa white house, nakausap na ni President Joe Biden ang Oklahoma Governor para tiyakin ang buong suporta ng Federal Government sa recovery efforts.

Nagtaas na rin ng babala ang national weather service ngayong araw laban sa malalakas na hangin at pag-ulan, at  hail  o  ulan na may kasamang yelo,  mula sa East Texas patungong Illinois at Wisconsin.

About The Author