Naglabas ng alert warning ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid ngayong araw bunsod ng manipis na suplay ng kuryente.
Inilagay ng NGCP sa red alert ang Luzon Grid simula mamayang 2:00 P.M. hanggang 4:00 P.M.; at 6:00 P.M. hanggang 9:00 P.M.
Dakong 1:00 P.M. naman hanggang 2:00 P.M.; 4:00 P.M. hanggang 6:00 P.M.; at 9:00 P.M. hanggang 11:00 P.M. ay isasailalim ito sa yellow alert.
Ayon sa NGCP, nawalan ng 2,117.3 megawatts ang grid dahil 19 planta ang naka-forced outage habang tatlong iba pa ang nasa mababang kapasidad.
Sinabi ng NGCP na ang available capacity ay tinatayang nasa 13,537 megawatts, habang ang peak demand ay 13,024 megawatts.