dzme1530.ph

Face-to-face classes sa Iloilo City, suspendido ng dalawang araw bunsod ng mainit na panahon

Suspendido ang face-to-face classes simula preschool hanggang senior high school sa Iloilo City, simula ngayong Lunes hanggang bukas, bunsod ng mainit na panahon.

Sa Executive Order na naka-post din sa social media account ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, nakasaad na walang face-to-face classes sa nabanggit na grade levels sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, sa loob ng dalawang araw, maliban na lamang kung palalawigin pa ito o babawiin nang mas maaga.

Nakasaad din sa kautusan na kaisa ang mga pinuno ng mga paaralan sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang, gaya ng pag-adopt sa alternative learning delivery modes, tulad ng online classes, upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, sa harap ng banta ng napakainit na panahon.

About The Author