dzme1530.ph

Police Major Gen. Rommel Francisco Marbil, itinalagang ika-30 PNP Chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Police Major Gen. Rommel Francisco Marbil bilang ika-tatlumpung hepe ng Philippine National Police (PNP).

Inanunsyo ang pag-appoint kay Marbil sa change of command ceremony sa Camp Crame Quezon City ngayong Lunes ng umaga.

Kaagad na magsisimula ang tungkulin ni Marbil ngayong araw makaraang magtapos ang extended na termino ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., na ngayon ay opisyal nang retirado.

Si Marbil ay nagsilbing directorate for comptrollership ng PNP, at dati rin siyang naging regional director ng PNP Eastern Visayas.

Nanggaling ito sa PMA Sambisig class of 1991 na ito ring pinagmulan ni Acorda.

Inaasahang magsisilbing PNP chief si Marbil hanggang sa kanyang pagre-retiro sa Pebrero 2025.

About The Author