dzme1530.ph

Panukalang, magbibigay trabaho sa senior citizens, suportado ni Rep. Nograles

Buo ang suporta ni Rizal 4th Dist. Rep. Fidel Nograles, sa panukalang bigyan ng malawak na employment opportunity ang mga senior citizen.

Kasunod ito ng approval sa dalawang komite sa Kamara, ang Committee on Ways and Means at Committee on Senior Citizens sa “Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act.”

Pagdidiin ni Nograles, chairman ng Committee on Labor and Employment, marami talagang seniors ngayon ang hirap sa buhay kaya napipilitang magtrabaho pa rin subalit hirap matanggap dahil sa edad.

Hindi aniya dapat maging hadlang ang edad, kasarian at pisikal na abilidad sa paghahanap ng trabaho.

Para kay Nograles “noble” ang panukalang ito dahil iaangat muli nito sa productive level ang senior citizens sa bansa.

Bilang pabuya, bibigyan ng incentives ang mga kumpanya na magha-hire ng seniors sa kanilang kumpanya.

About The Author