dzme1530.ph

Rider na sumaksak sa gulong ng delivery van, inisyuhan ng show-cause order ng LTO

Isang motorcycle rider ang inisyuhan ng show-cause order ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa umano’y pagsaksak sa gulong ng isang delivery van sa isang insidente ng road rage na nakuhanan ng video at nag-viral online.

Ayon sa LTO, natukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng motorsiklo sa pamamagitan ng plaka ng sasakyan na nakita sa video.

Sa footage, nakita ang rider na kumuha ng hindi pa tukoy na bagay at sinaksak ang harapang gulong ng delivery van bago sumibad palayo.

Binigyan ang motorcycle owner ng hanggang March 25 para dumulog sa LTO Central Office sa Quezon City upang matukoy kung siya ang rider sa video at ipaliwanag ang kanyang ginawa.

About The Author