dzme1530.ph

Mga opisyal na nagpabaya, dapat panagutin

Napapanahon nang papanagutin sa batas ang lahat ng local at national agency officials na nagkulang at nagpabaya kaya napahintulutan ang pagtatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills National Monument sa Bohol.

Ito ay sa kabila ng deklarasyon na ang Chocolate Hills ay protected area noon pang 1997.

Ilan sa mga paglabag na nakita ni Legarda ang pagdedeklara ng Department of Environment and Natural Resources sa ilang bahagi ng lupa sa gitna ng Chocolate Hills bilang private lands at hindi isinama sa protected area.

Sinabi rin ng senadora na dapat magpadala ng mga uniformed personnel ang DENR para ipatupad ang mga rules nito at hindi lang sapat ang paglalabas lang ng closure order nang walang mahigpit na pagpapatupad.

Dapat din aniyang tinukoy ng DENR at ng Protected Area Management Bureau (PAMB) ang 20 meter retention para magabayan ang LGU sa paglalabas ng business permit.

Ipinaalala ni Legarda na ang mga ganitong sitwasyon ang nagbunsod sa kanya upang ihain ang Senate Bill 494 o ang Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) bill para matugunan ang capacity gap sa enforcement ng DENR dahil sa ngayon ay walang uniformed service ang ahensya para sa pagpapatupad ng mga batas.

About The Author