dzme1530.ph

Bilang ng walang trabaho, maibababa sa implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan Act

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na malaki ang maitutulong sa pagpapababa ng unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa ng implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) Law.

Kasunod ito ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment rate sa 4.5% o 2.15 milyong Pilipino na walang trabaho nitong Enero 2024 mula sa 3.6% o 1.60 milyon noong Disyembre 2023.

Binigyang-diin ni Villanueva na hindi dapat tumigil ang pamahalaan sa paglikha ng matatag na trabaho at kabuhayan.

Inaasahan din ni Villanueva na masosolusyunan ng bagong batas ang ‘seasonability of employment’ na magbibigay ng trabaho sa mga indibidwal sa tiyak na panahon.

Sa susunod na linggo ay lalagdaan na ang implementing rules and regulations (IRR) ng TPB Act, na magiging hudyat ng buong implementasyon ng batas.

About The Author