dzme1530.ph

Pilipinas, Timor-Leste lumagda ng kasunduan sa market access —DFA

Lumagda ang Pilipinas ng market access agreement sa Timor- Leste matapos na mapasama ang nasabing bansa sa World Trade Organization (WTO) noong Enero.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ang kauna-unahan na ASEAN member state na lumagda ng nasabing bilateral agreement sa Timor- Leste.

Sa signing ceremony, binanggit ni Philippine Mission to the World Trade Organization (WTO) Chargé d’Affaires Gabriel Bautista na ang dalawang bansa ay parehong malapit pagdating sa kultura at kaugalian.

Sinabi pa ni Bautista na nananatiling handa ang Pilipinas na suportahan ang Timor- Leste para palakasin at palawigin ang ekonomiya nito.

About The Author