dzme1530.ph

Liderato ng Kamara, hinamong himukin ang mga miyembrong ipatigil na ang P.I

Hinamon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang liderato ng Kamara na himukin ang mga miyembro nito na abandonahin na ang People’s Initiative na layung amyendahan ang konstitusyon.

Iginiit ni Pimentel na dapat mag-abandon ship na ang mga nasa likod ng PI kasunod na rin ng mga nakalipas na kaganapan.

Umaasa ang senador na manggaling na sa Kamara ang panawagan na itigil kung anoman ang napag-usapan sa mga leader’s o followers nila or mga people’s organizations.

Malilnaw din anya sa mga impormasyon na ang liderato mismo ng Kamara ang nanguna sa People’s Sinuportahan naman ni Pimentel ang Commission on Election (COMELEC) sa pagsuspindi sa lahat ng proseso sa PI subalit binalaan ang publiko na maging vigilante pa rin dahil maaari pa ring i-lift ng poll body ang suspensyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author