dzme1530.ph

VP Duterte, magsisilbi pa ring caretaker ng Pilipinas habang nasa Vietnam si PBBM

Magsisilbing pa ring caretaker ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte.

Ito ay habang nasa Vietnam si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para sa dalawang araw na state visit.

Pinili pa ring caretaker si VP Sara sa kabila ng mga banat na natanggap ng Pangulo mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Mababatid na nakasanayan na ang pagtatalaga ni Marcos kay Duterte bilang caretaker kapag ito ay nasa foreign trip.

Tatagal ang biyahe ng Pangulo sa Vietnam hanggang bukas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author