dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Vietnam ngayong araw para sa 2-day state visit

Biyaheng Vietnam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, para sa dalawang araw na state visit.

12:30 ng tanghali inaasahang darating ang Pangulo dito sa Villamor Airbase sa Pasay City, para sa departure ceremony.

Sa kanyang biyahe sa Vietnam, makikipagpulong ito kina Vietnamese President Vo Van Thuong na itong nag-imbita sa kanya para sa state visit, at gayundin kina Vietnamese Prime Minister Phạm Minh Chính, at Vietnamese National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue.

Inaasahang tatalakayin ang pagpapalakas ng relasyon at pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, at gayundin ang mahahalagang regional at international issues.

Target ding malagdaan ang mga kasunduan sa agrikultura, maritime cooperation, at pagne-negosyo.

Nakatakda ring makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa Vietnam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author