dzme1530.ph

400,000 katao kabilang ang mga empleyado ng gobyerno, dumalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally!

Umabot sa 400,000 indibidwal ang dumagsa sa Bagong Pilipinas kick-off rally na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Pasado alas-6:00 kagabi nang dumating ang Pangulo sa Quirino Grandstand sa Maynila upang pangunahan ang engrandeng pagtitipon.

Dumalo rin ang mga miyembro ng gabinete at libu-libong mga empleyado ng iba’t ibang ahensya.

Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang dumating si Vice President at Education Sec. Sara Duterte, at nagpaabot ito ng suporta sa Bagong Pilipinas campaign.

Ang rally ay pinasaya ng concert tampok ang iba’t ibang Filipino artists at celebrities tulad nina Adrew E., Aegis, Florante, Ronnie Liang, Rita Daniela, Ken Chan, Skusta Clee, at iba pa.

Kasabay nito’y itinampok din ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno tulad ng payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, loan at housing applications, social pension at PhilHealth registrations, at marami pang iba. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author