dzme1530.ph

Death toll sa epekto ng shearline, 18 na

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga nasawi bunsod ng epekto ng shear line na nagdulot ng mga pag-ulan sa Davao at Caraga Regions, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bunsod nito, lumobo na sa 18 ang death toll dulot ng masamang panahon.

Sa tala ng NDRRMC, ang dalawang pang nasawi ay mula sa Davao Region.

Gayunman, 10 pa lamang sa mga namatay ang kumpirmado habang ang walong iba pa na lahat ay mula sa Davao Region ay isinasailalim pa sa beripikasyon.

Nakapagtala rin ang ahensya ng walong kumpirmadong nasugatan dahil sa shear line na lahat ay mula rin sa Davao. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author