dzme1530.ph

Panghuhuli sa mga Pinoy caregivers na paso na ang VISA sa Israel pinatitigil ng PIBA

Kinumpima ng Philippine Embassy sa Israel na pansamantalang ipinatitigil ng Population Immigration and Border Authority (PIBA) ang paghuli sa mga caregivers na paso na ang VISA at hindi naaprubahan ang kanilang request for extension of work permit.

Ito ang pahayag ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Junie Laylo Jr. kasunod ng inilabas na Advisory ng PIBA dahil sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng giyera at upang magbigay kalinga at tulong sa mga pamilya ng Israeli na nangangailangan ng caregivers.

Ayon kay Ambassador Laylo sakop ng advisory na ito ang mga caregivers na hindi pa hihigit sa 13 years ang pananatili sa Israel mula ng unang dumating siya sa bansa para magtrabaho.

Dapat din anyang walang criminal record kaso sa korte o anumang paglabag sa batas.

Ang mga kwalipikadong caregivers ay hinihikayat na kausapin ang kanilang mga employers upang mai-process ang kanilang request.

Kung ang kwalipikadong caregivers naman na walang employer, maari siyang maghanap ng bagong employer o mag apply sa agency na siyang mag sa-submit ng request sa humanitarian committee ng PIBA.

Kailangan anyang mai-submit ang request bago sumapit ang deadline ng PIBA sa April 30 2024. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author