dzme1530.ph

Lung Transplant Program ng Lung Center at NKTI, inilunsad ng Pangulo

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Lung Transplant Program ng pinagsanib na pwersa ng Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute.

Layunin ng programa na maibigay sa mga Pilipino ang pinaka-mataas na standard ng healthcare, at mapagaan ang buhay ng mga taong may permanenteng sakit sa baga.

Partikular na mithiin nito ang makapagbigay ng pag-asa sa mga pasyenteng may malubhang lung complication.

Sa kanya namang talumpati, tiniyak ni Marcos na isusulong nito ang rehabilitasyon ng Lung Center upang maibalik ito sa dating sigla, bago pa ito masunog noong 1998. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author