dzme1530.ph

8 katao, sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Antipolo, Rizal

Sugatan ang walo katao na lulan ng pampasaherong jeepney na kabilang sa apat na sasakyang nagkarambola matapos mabangga ng isang bus sa Sumulong Highway sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Antipolo City Office of Public Safety Security Traffic Enforcer Paul Edward Tafales, alas-5:30 kanina nang mangyari ang aksidente sa lugar sa Brgy. Mambugan sa nasabing lalawigan.

Nawalan aniya ng preno ang bus na minamaneho ni Ramon Meligrito papunta ng Masinag, Antipolo kung kaya’t bumangga ito sa apat na sasakyan, na kinabibilangan ng dump truck, school bus, service vehicle ng TV5, at ang pampasaherong jeepney.

Samantala, naisugod na sa pagamutan ang mga sugatan, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang aksidente. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News

About The Author