dzme1530.ph

Speaker Romualdez, itinurong may atas sa pakikialam ng mga kongresista sa People’s Initiative para sa Chacha

Kinumpirma ni Senador Ronald Bato dela Rosa na itinuro ng isang kongresistang kanyang nakausap na utos ni House Speaker Martin Romualdez ang pangangalap ng mga lagda para sa People’s Initiative na layong amyendahan ang konstitusyon.

Sinabi ni dela Rosa na humingi pa ng paumanhin sa kanya ang isang mambabatas na nakausap niya dahil sumusunod lamang umano sila sa atas.

Tumanggi naman ang senador na tukuyin kung sino ang kongresista na kanyang nakausap.

Kinumpirma rin ni Dela Rosa na maging sa Davao City ay mayroong nangangalap ng lagda kapalit ng P100 hanggang P3,000 bayad.

Ipinaliwanag ng senador na mayroon anyang claim stub na ibinibigay sa bawat pipirma sa People’s Initiative para makuha ang kanilang benepisyo na posible anyang mula sa TUPAD o sa AICS.

Muli namang ipinaalala ni dela Rosa na ang paglada na may kapalit na anumanng kabayaran ay magpapawalang saysay sa isinasakatuparang People’s Initiative. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author