dzme1530.ph

Malawakang pagpapaunawa sa isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon, dapat isakatuparan

Inirekomenda ni Sen. Francis Tolentino na tutukan ng mga nagsusulong ng Charter Change ang malawakang pagpapaliwanag sa mga Pilipino sa mga pagbabagong nais gawin sa konstitusyon.

Sinabi ni Tolentino na kailangang maging malinaw sa publiko ang mga nais gawin ng mga proponent ng chacha at maging ng mga nangangalap ng lagda para sa people’s initiative.

Malinaw anya sa konstitusyon na dapat nauunawaan ng taumbayan ang anumang papipirmahan sa kanila.

Sa panig ng Senado, tiyak si Tolentino na kanilang tatalakayin ang isyu sa pagbabalik ng sesyon sa Enero 22.

Sa ngayon anya ay may nakahain nang resolusyon sa Senado para busisiin ang umano’y panunuhol ng ilan para makapangalap ng lagda para sa People’s Initiative. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author