dzme1530.ph

PBBM, opisyal nang ipinakilala si Rep. Ralph Recto bilang bagong DoF Sec.

Opisyal nang ipinakilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Cong. Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Dep’t of Finance.

Sa press briefing sa Malakanyang, ipinabatid ng Pangulo ang tiwala sa mahabang karanasan ni Recto sa ekonomiya.

Umaasa ang Pangulo na tututukan ni Recto ang mahahalagang isyu tulad ng inflation, kaakibat ng fiscal programs.

Samantala, ipinakilala rin ni Marcos si Special Assistant to the President for investment and Economic Affairs Frederick Go.

Sinabi ng Pangulo na si Go ang magbabantay sa pagsasakatuparan ng investments na nalikom sa kanyang foreign trips.

Sina Recto at Go ay kapwa nag-oath taking na sa palasyo bago humarap sa press briefing. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author