dzme1530.ph

Pagkakatalaga ni Deputy Speaker Ralph Recto sa Dep’t of Finance, suportado ni Basilan Cong. Hataman

Welcome din kay Basilan Cong. Mujiv Hataman ang appointment ni Deputy Speaker Ralph Recto sa Department of Finance.

Ayon kay Hataman, miyembro ng minority bloc sa Kamara, alam ng lahat ang kakayahan ni Recto bilang magaling na ekonomista, may akda ng napakaraming economic laws at dating pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Mula sa pagiging chairman ng Senate Ways and Means, nakita aniya ang galing at malalim na pang-unawa ni Recto sa fiscal policies at taxation.

Bukod sa Ways and Means, pinamunuan din nito sa Senado ang Committees on Government Corporations and Public Enterprises; Science and Technology at iba pa, habang sa Kamara ay Deputy Speaker ito.

Naniniwala si Hataman na bilang DoF Secretary, maraming magagawa si Recto na may impact sa kabuhayan at pananalapi ng pamahalaan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author