dzme1530.ph

Senado, handang makipagtulungan sa bagong Finance Secretary

Handa ang Senado na makipagtulungan kay incoming Finance Secretary Ralph Recto sa pagsusulong ng mga programang malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, bilang matagal nilang nakasama sa Senado, mapatutunayan niya na malaki ang maitutulong ng malawak na kaalaman ni Recto sa political at fiscal structure ng bansa upang maisaayos ang usaping pananalapi ng gobyerno.

Sinabi naman ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Win Gatchalian na hindi matatawaran ang malawak na karanasan ni Recto sa finance at economic policy.

Kaya naman, malaking bentahe anya sa economic team ang mapabilang sa kanila si Recto dahil sa mga inisyatibo nitong tiyak na makakatulong sa ekonomiya.

Handa anya ang kanyang kumite na makipagtulungan kay Recto para sa pagsusulong ng mga polisiya para sa kaunlaran ng bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author