dzme1530.ph

Kakayahan ni dating Sen. Recto, malaking ambag sa gabinete ni PBBM

Naniniwala si Sen. Chiz Escudero na malaki ang maiaambag ng kakayahan ni dating Sen. Ralph Recto sa gabinete sa pagsusulong ng mga programang may kinalaman sa pag-unlad.

Sinabi ni Escudero, isa sa malapit na kaibigan ni Recto, may malaking tulong sa panunungkulan ng dating senador bilang Finance Secretary ang kanyang mahabang karanasan sa Kongreso at bilang dating kalihim ng National Economic Development Authority.

Kumpiyansa si Escudero na sapat ang kakayanan at kagalingan ni Recto upang matiyak na magpapatuloy ang magandang itinatakbo ng ekonomiya

Maging si Senate Minority Leader Koko Pimentel ay pabor sa pagtatalaga kay Recto bilang Finance Secretary.

Sinabi ni Pimentel na karapat dapat si Recto sa posisyon bagama’t nakikisimpatiya na siya rito dahil alam niyang napakahirap ng panunungkulan sa posisyon sa panahong magulo ang sitwasyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author