dzme1530.ph

House Deputy Speaker Ralph Recto, itinalagang bagong Finance Sec.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Dep’t of Finance.

Kinumpirma ng Malakanyang na nakatakda nang manumpa sa pwesto si Recto sa harap ng Pangulo ngayong araw ng Biyernes, Jan 12.

Kasabay niyang mag-ooath taking si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go.

Dahil dito, mababakante ang iiwang posisyon ni Recto bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas.

Papalitan ni Recto si outgoing Finance Sec. Benjamin Diokno. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author