dzme1530.ph

Comelec, target na makapagtala ng contractor para sa 2025 Automated Election System sa Marso

Target ng Commission on Elections (Comelec) na makapagtala ng contractor para sa 2025 automated election system sa Marso ng taon kasalukuyan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay dahil mahaba at halos tumatagal ng isang taon ang preparasyon para sa maayos at matiwasay na botohan.

Nabatid na nagbago ang ihip ng hangin para sa MIRU Systems Company Limited na noon ay idineklarang ineligible, matapos itong tanghalin ng Comelec-Special Bids and Awards Committee noong Lunes bilang eligible para sa 2025 midterm elections.

Sa ngayon ay nasa second phase na ng bidding process ang Korean company.

Magugunitang ang kontrata ay dating nasa kamay ng Smartmatic na diniskwalipika ng Comelec dahil sa umano’y pagkakadawit nito sa bribery case laban kay dating Comelec Chairman Andres Bautista. DZME News

About The Author