dzme1530.ph

Comelec, sisimulan na ang 2025 midterm elections voters registration sa Feb. 12

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec), ang 2025 midterm elections voters registration sa February 12 hanggang September 30, 2024.

Habang on-going pa rin ang voters registration ng mga overseas filipinos hanggang September 30, 2024.

Paalala naman ni Comelec Chairman George Garcia, na goverment issued-ID lamang ang tinatanggap ng kanilang ahensya dahil mahirap umanong beripikahin ang company ID.

Kaugnay nito, ipatutupad din ng Comelec ang Register Anywhere Project upang mapataas ang bilang ng mga botante hindi lamang para sa 2025 midterm elections kung hindi pati na rin sa mga susunod pang electorial exercises. -DZME News

About The Author