dzme1530.ph

Mahigit 18,400 metric tons ng imported na bigas, dumating sa bansa

Kabuuang 18,463 metric tons ng imported na bigas mula sa Vietnam, Thailand at Pakistan ang dumating sa Pilipinas, as of Jan. 4, ayon sa Bureau of Plant Industry.

Sa pinakahuling datos ng BPI, malaking bulto ng imported na bigas ay galing sa Vietnam na nasa 11,423 metric tons; sinundan ito ng Thailand na 6,500 metric tons; at Pakistan, 540 metric tons.

Sa nagdaang taong 2023, umabot sa 3.567 million metric tons ang total imported rice arrival, na mas mababa ng 7% kumpara sa kabuuang inangkat noong 2022 na 3.826 million metric tons. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author