dzme1530.ph

Marawi City, magdaraos din ng plebesito para sa 3 bagong barangay

Magsasagawa rin ng plebesito sa Marawi City para naman sa paglikha ng tatlong bagong barangay sa lungsod sa March 9, 2024.

Boboto ang mga residente para sa pagtatatag ng mga panukalang barangay na kinabibilangan ng Sultan Corobong, Sultan Panorongan, at Angoyao.

Ang mga bagong barangay ay kukunin mula sa kasalukuyang mga barangay ng Dulay Proper, Kilala, at Patani. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author