dzme1530.ph

PBBM, inimbitahan ang publiko na mag-Simbang Gabi sa Malacañang

Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na mag-Simbang Gabi sa malakanyang ngayong panahon ng pasko.

Sa kanyang video message, inanunsyo ng Pangulo na muling binuksan ang Palasyo para sa lahat, kabilang ang open house na Simbang Gabi.

Kasama na rin dito ang pakain na bibingka at ang kanyang specialty na puto bumbong.

Kaugnay dito, hinikayat ni Marcos ang mga bibisita sa Palasyo na isama na rin ang kanilang mga anak.

Ang Simbang Gabi ay magpapatuloy hanggang sa Disyembre 24. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author