dzme1530.ph

Na-selyuhang investment deals sa official trip ni PBBM sa Saudia Arabia, umakyat na sa $4.26-B!

Umakyat na sa $4.26 billion ang halaga ng investment agreements na na-selyuhan sa official trip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Saudi Arabia.

Kinumpirma ng Dep’t Trade and Industry na ang Al Rushaid Petroleum Investment Company at Samsung Engineering NEC Company ay lumagda na sa kasunduan sa EEI Corp. ng Pilipinas.

Ito ay para sa construction export services na nagkakahalaga ng $120 million.

Sa ilalim nito ay inaasahang itatayo rin ang training facility sa Tanza, Cavite na makapagbibigay ng trabaho sa nasa 500 Pilipino.

Una nang lumagda sa $3.7 billion deal ang Al-Jeer Human Resources Company, at dalawang $191 million deals mula sa Maharah Human Resources Company.

Kabuuang mahigit 15,000 Pilipino ang inaasahang makikinabang sa multi-billion dollar investments. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author