dzme1530.ph

Kampo ni Jalosjos Jr, umapela sa SC: Robert Uy, huwag muna paupuin bilang mambabatas ng Zamboanga del Norte

Umapela ang kampo ni Romeo Jalosjos Jr. sa Korte Suprema hinggil sa desisyon nito na paupuin si Robert Uy bilang duly-elected representative ng Zamboanga del Norte.

Sa ginawang pag sumite ng kampo ni Jalosjos ng immediate executory motion for reconsideration sa Supreme Court – sinabi ng abugado nito na si Atty. Edward Guialogo – hindi dapat maging final and executory ang naturang kautusan ng Korte Suprema dahil sa mababalewala ang kanilang motion for reconsideration.

Sa oras kasi aniya na mapaupo at naging miyembro ng kamara si Uy ay mawawalan na ng jurisdiction ang kataas taasang-hukuman sa kaso at mapupunta na sa House of Representatives.

Paliwanag nito ang lahat naman ng kaso ay may karapatang iapela subalit sa oras na ipatupad agad ng SC ang kanilang desisyon ay mababalewala na ang apela ni Jalosjos.

Nag ugat ang kaso sa pagkaka-proklama kay Jalosjos ng Commission on Elections bilang Congressman ng Zamboanga del Norte kung saan, sa inisyal na bilangan, si Uy ang nanalo subalit dahil idineklara ng Comelec na nuisance candidate ang nagngagalang Frederico Jalosjos, lahat ng boto nito ay napunta kay Romeo Jalosjos Jr., dahilan ng kanyang pagkakapanalo. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author