dzme1530.ph

Overall balance of payments, bumaba sa $414 million noong Setyembre

Bumaba ang overall Balance of Payments (BOP) sa $414 million noong Setyembre mula sa $2.34-billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nanatili sa deficit ang BOP position sa loob ng anim na sunod na buwan noong Setyembre.

Ito rin ang pinakamalawak na deficit gap mula nang maitala ang $606 billion noong Hunyo.

Mas mababa rin ito sa $57 billion na deficit noong Agosto.

Ang BOP deficit noong Setyembre ay repleksyon ng net outflows mula sa binayarang foreign currency debt obligations ng national government. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author